Kung iyong lilisanin
ang lugar na naging
sandigan ng kahapon,
ang sandata ng hinagpis at ngiti
na hawak kamay nating binuo,
hayaan mong aki'y ipabaon.
Ang tinig ko'y patuloy na maririnig
upang maging gabay sa pagtawid,
huwag sanang indain ang hapdi
ng sugat sa puso, hayaan lamang
ang pagdaloy ng luha at dugo.
Wag mainip sa bukas na darating
matarik man ang daan patungo sa
landas ng ating pag-ibig....
hahatiin ang ulan, upang muli
kang mahagkan...
-iris castro