ang lumang kalendaryo aking natatanaw
malapit nang mapunit at naninilaw
ilang tag-ulan at tag-araw na ang nagdaan
di pa rin natatalo ng kalumaan
mga alala ay nakuha ng amagin
ngunit yakap at halik moý sariwa pa rin
pilitin mang ibaon at iba ay papasukin
dalangin kong makasama ka muli
sana ay dinggin
tulad ng mga tuyong dahon
ikaw ay lumipas
kawangis ng kalendaryo
pag-ibig natin patuloy na lalakad
iris castro, may 12, 11:15pm